Election gun ban, seryosohin – PPCRV

PPCRV-henrietta-de-villa

NANAWAGAN ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga awtoridad na seryosohin ang election gun ban na nakatakdang ipatupad sa Linggo, kasunod nang pormal nang pagsisimula ng 120-day election period sa bansa.

Ayon kay PPCRV chairperson ambassador Henrietta de Villa, umaasa siyang sa pagkakataong ito ay magkaroon ng political will ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang Omnibus Election Code laban sa mga pulitiko at ordinaryong sibilyan na mahuhuling may dalang armas sa kabila ng gun ban.

Nagpahayag ng pagkadismaya si de Villa dahil kadalasan ay parang biru-biro lamang ang kampanya ng mga awtoridad dahil talamak pa rin ang ilegal na baril o loose firearms sa bansa.

Hinimok pa nito ang PNP at iba pang law enforcement agency na pagsikapan na mahuli at maparusahan ang sinumang lalabag sa election gun ban para ipakita na seryoso ang pamahalaan sa kanilang kampanya laban sa loose firearms.

“Nakakatawa nga dahil parang biru-biro lamang yang gun ban dahil kadalasan tuwing eleksyon ay mas laganap pa nga ang iligal na baril,”ayon kay de Villa, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply