Election protest ni Atienza vs Lim, iniatras; cash bond deposit, binawi

lito-atienza

BINAWI na ni dating Manila Mayor Lito Atienza  ang  kanyang natitirang cash bond na inilagak sa Commission on Elections kaugnay sa election protest nito laban kay Manila Mayor Alfredo Lim.

“In a motion filed last January 11 and which was subsequently granted by the Commission on Elections, Atienza also moved that he be allowed to withdraw the remaining balance of the cash deposit he made in connection with the instant protest `which the protestant does not intend to pursue anymore.’

Ito ang natanggap na kopya ni  Atty. Alicia Risos-Vidal, abugado ni Lim, kaugnay sa inihaing mosyon ni Atienza dahil sa pag-urong sa nasabing protesta.

Sa resolusyon ng Comelec First Division, ipinagkaloob nito ang kahilingang motion to withdraw deposit’,  na hindi pa nagagalaw sa halagang P4,370,379.21. May lagda ang kautusan ni Presiding Commissioner Rene Sarmiento  .

Noong Setyembre 13,2011  ay una nang nagpalabas ng desisyon ang First Division na nagkumpirma ng panalo ni Lim sa mayoral race laban kay Atienza subalit umapela pa ang huli, na sa kalaunan ay kusang umatras na lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply