Electrician binoga sa ulo, kritikal

emergency

KRITIKAL ang isang electrician matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang ang biktima ay nakaupo sa harap ng kanyang shop sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Virgilio Baximen, 58, ng Villa Campo, Bagbaguin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga, nakaupo ang biktima sa tapat ng kanyang shop sa nasabing lugar nang dumating ang mga suspek at isa ang agad na nagpaputok.

Matapos ang insidente ay parang bale-walang naglakad ang mga suspek bago sumakay sa Toyota Corolla (ZPR-985) na kulay gray at tumakas.

Dinala ang biktima sa VGH kung saan inaalam na kung sino ang mga suspek at motibo sa pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply