E-filing, paperless system, inilunsad ng SC

supreme-court-of-the-philippines

INILUNSAD na ng Korte Suprema ang e-mail account na gagamitin sa makabagong electronic filing (e-filing) at paperless system.

Ang mga soft copies ng lahat ng pleadings, motions at petitions ay maari nang ipadala sa email address na efile@sc.judiciary.gov.ph

Magugunitang nagpalabas ng kautusan ang Korte SUprema noong Noyembre 13 kung saan kinakailangang magsumite ng digital copies ng lahat ng pleadings bukod sa printed copies.

Ang e-filing system ay boluntaryo sa loob ng anim na buwan subalit paglagpas nito ay magiging compulsory na para sa lahat ng magpa-file.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply