Empleyado ng TV network naaksidente, sugatan

accident

SUGATAN ang isang driver ng isang TV network nang sumalpok ang kotse nito sa isang trailer truck sa Cloverleaf A. Bonifacio, Balintawak, Quezon City, kaninang madaling araw.

Agad na naisugod sa pagamutan ang driver ng kotse na kinlalang si Angelito Hornido, nagtatrabaho sa isang TV network.

Batay sa pahayag ng truck driver na kinilalang si Rainboy Arellano dakong alas 2:00 ng madaling araw habang patungo umano sana siya sa A-Bonifacio nang biglang salpukin ng kotse.

Nabatid na may lulan na mga alak ang naturang trailer truck na nakatakda dalhin sa lungsod ng Quezon nang maaksidente.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Quezon City Police Traffic Unit upang papanagutin ang kung sino sa dalawa ang responsable sa naganap na aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply