Enrile natakot sa biskwit ni Miriam

enrile6

INAMIN ni Senate President Juan Ponce Enrile na ibinalik niya ang regalong biskwit ni Sen. Miriam Santiago dahil sa may galit aniya ito sa kanya sa panayam sa kanya sa isang radio station.

Pero, sinabi nito na binigyan naman niya ng regalo si Miriam sa pamamagitan ng pera dahil hindi naman aniya siya plastik na tao.

Nauna nang sinabi ni Miriam na nainsulto siya nang ibinalik ni Enrile ang kanyang regalo kaya hindi rin niya tinanggap ang P250,000 regalo nito.

Dagdag ni Enrile na ayaw na niyang makipagbati kay Miriam dahil ayaw niyang ipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya.

Pumutok ang away ng dalawa nang ibulgar ni Miriam ang pamamahagi ni Enrile ng “savings” ng Senado sa sinasabi niyang “mga kakampi” lang ng Senate President.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply