Enrile tumangging makipagkasundo kay Santiago

juan-ponce-enrile-3

HINDI umano pipilitin ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kanyang sarili para makipag-ayos kay Sen. Miriam Defensor Santiago.

Ayon kay Enrile, hindi niya pipiliting makipag-ayos sa isang taong ayaw sa kanya at ayaw rin niyang maka-usap ang taong may “lunar mind”.

Dahil dito, patuloy pa rin ang banggaang Enrile-Santiago sa Senado na nagsolian ng mga regalo sa nakalipas na pasko.

Hindi pa rito natatapos ang patutsada ni Enrile kay Santiago dahil inupakan nito ang senadora na pala-absent sa sesyon ng Senado noong 2012.

Sinabi pa ni Enrile na ito ang malaking dahilan kung bakit hindi niya ito binigyan ng karagdagang P1.6 million para sa Maintenance and other Operating Expenses.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply