Epal candidates, sasampolan ng Comelec

comelec-3

POSIBLENG masampolan sa isasagawang test case ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pasaway o epal candidates  na lalahok sa darating na halalang 2013.

Ito ang babala ng Comelec dahil sa hindi pa ring mapigilang pagbalandra ng ilang kandidato ng kanilang mga tarpaulin, banners  sa ilang lugar kahit hindi pa nagsisimula ang campaign period.

Sinabi ngayon ni Commissioner Christian Robert Lim na plano nilang subukan o magsagawa ng test case laban sa mga epal na pulitiko upang maipakitang seryoso ang Comelec na linisin ang sistema ng pangangampanya.

Sa ilalim aniya ng Comelec resolution No. 9615, binigyan ng hanggang February 11, 2013 ang mga kandidato at maging mga incumbent official, na tanggalin ang kanilang mga mukha o pangalan sa mga tarpaulin na nakalagay sa mga public structure.

Ang mga posters sa labas ng mga itinalagang common poster area gaya ng mga eskwelahan, barangay hall, health center, waiting shed, highway, sasakyang pag-aari ng gobyerno at iba pa sa pagsimula ng kampanya ay ipagbabawal na rin.

Nanawagan si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., sa publiko na tumulong sa pag-monitor upang matiyak na susunod ang mga kandidato sa itinakdang campaign rules.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply