EPAL NI MMDA CHAIR TOLENTINO AT MARANTAN INILAGLAG NA

burdado-jun-briones2

ANO na ba ang kabutihang naidulot ng Segregation scheme ni MMDA Chairman Francis Tolentino tungkol sa mga bus stop?

Ang pagpapalit ng uniform ng MMDA personnel at kanilang designation mula sa traffic enforcers na ginawang constables?

Mula sa panukalang mga baril para sa constables na humantong sa pag-aarmas sa kanila ng mga batuta?

Ang naglalakihang bus at plate number na itinatak sa mga bubungan ng bus?

At ang napakarami pang kaepalan na ipinangalandakan noon ni Tolentino.

May nangyari ba?

Naibsan ba ang sikip ng trapiko sa Kalakhang Maynila?

Nabawasan ba kahit konti ang pangungurakot ng kanyang mga alipores?

Kung hindi ka sinungaling, Chairman Tolentino, tiyak na ang isasagot mo ay palpak!

Aba at hindi pa nakuntento sa mga kapalpakan, muling umepal si Tolentino.

Pati “liquor ban” sa halalan ay pinakikialaman.

Mula sa pagiging dalawang araw (before and after election) gustong gawing isang buwan nitong si Tolentino.

Tangna naman, Chairman, kung ‘yang trabaho mo nga sa MMDA ay hindi mo naiaayos, pati ba naman Comelec ay gusto mo pang pakialaman?

Payong hindi kaibigan, Ginoong

Tolentino, huwag masyadong maepal para makapagtrabaho ka nang maayos!

-o0o-

NOONG una ay matinding depensa ang ginawa ni dating Region 4-A Director James Melad kay Col. Hanzel Marantan, ang pangunahing opisyal na utak sa pagpaslang sa 13 katao sa Atimonan Quezon.

Marahil hindi pa noon alam ni Gen. Melad na ayon pa lang sa nabibilang, umaabot na sa 40 katao ang namatay sa mga kamay ni Col. Marantan.

Mula sa Valle Verde, hanggang sa Parañaque na maging ang isang seaman at anak nito na batang babae ay pinatay, pati ang mga kubrador sa Calamba, lahat sila, parekoy ay nanlaban umano kaya pinagpapatay nina Marantan!

Ngayon ay unti-unti nang nakikilala ni Gen. Melad itong si Col. Marantan, kaya inamin na ng heneral na ang papel dapat ni Marantan sa Coplan armado ay hanggang sa pangangalap lamang ng detalye.

“Ano ang kanyang ginagawa roon sa Quezon? Bakit siya nag-checkpoint doon?” ‘Yan, parekoy, ang katanungan ngayon ni Gen. Melad. Ano nga ba? Bakit nga ba?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply