EPAL SA KAPALPAKAN NI BIAZON; MGA ARGUMENTO SA DIVORCE

burdado- jun briones

LIBAN sa “Sub-port” ng Dadiangas, Gen. Santos, palpak na ang collection sa lahat ng puerto sa buong bansa. Dahilan kaya kinapos ng halos P70 bilyon ang target collection ni BOC Commissioner Ruffy Biazon para sa 2012.

Pero sa halip na ipaalam sa madlang pipol ang kanyang kapalpakan ay wagas na kaepalan sa iba’t ibang pahayagan ang ginawa ng mga “beauty consultant” ng Bureau of Customs.

Para naman hindi mahalatang “kaepalan” ‘yang ginagawa ng mga beautician mo, Commissioner, dapat ay ibinandera ninyo na palpak kayong lahat maliban sa nag-iisang “Sub-port.”

Tangnang BOC ‘yan, parekoy, dapat sinibak na si Biazon dahil sa kapalpakan nitong maabot ang target collection! Last year ay P347B ang target, pero nang P279B lang ang nakolekta, ngayong 2013 ay ibinaba na lang tuloy sa P340B sa halip na dapat ay P397B ang target collection!

Ang ibig sabihin pala ng matuwid na daan ay tibay ng sikmura at kapal ng mukha, puhunan sa pagtaba! Hak, hak, hak! Pweeee!

-o0o-

SIMULA ngayon ay paisa-isa nating hihimayin ang ilang argumento kung bakit umaalma ang simbahan at mga ipokrito’t ipokrita dito sa panukalang “divorce” sa ating bansa.

Umpisahan natin, parekoy, sa katwiran na “Ang pinagsama ng Diyos ay di maaaring paghiwalayin ng tao.” Ibig sabihin, dahil nababasa ito sa Banal na Kasulatan ay nararapat lamang na sundin.

Sa kaalaman ng lahat, sa buong mundo ay ang Pilipinas na lang ang walang diborsyo!

Meaning, ang buong mundo ay suwail at tayo na lang ang kasalukuyang sumusunod sa salita ng Diyos!

Praise the Lord! Kaya pala!

Lilinawin lang natin, parekoy, na ang divorce ay hindi nag-uutos na maghiwalay ang mag-asawa. Subalit kung hindi na talaga makayanan ni misis ang ginagawa ni mister o ni mister ang asal ni misis at talagang gusto nilang maghiwalay, nariyan ang diborsyo upang maisaayos ang lahat ng bagay sa hiwalayan.

Dahil ang ating Diyos ay Diyos ng kaayusan!

Ang “Pinagsama ng Diyos” ay hindi mapatutunayan sa dokumento at tubig na iwiniwisik ng isang pari. Patunay na sila ay pinagsama ng Diyos kung hanggang sa huli, kahit hindi sila ikinasal sa simbahan ay nagmamahalan ang mag-asawa. Dito walang karapatan ang sinoman, maging ang mga magulang, kapatid o pamahalaan na sila ay paghiwalayin!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply