Erap disqualification inihain sa Comelec

erapsky

NANINIWALA si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada na si Manila Mayor Alfredo Lim ang nasa likod ng inihaing disqualification case laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec).

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde sa pagharap kanina sa preliminary conference ng Comelec kaugnay sa kanyang kinakaharap na disqualification case na isinampa ng isang Atty. Alicia Vidal.

Ayon kay Estrada, harassment lamang ang kaso laban sa kanya at ipinaliwanag na ang isyung ginamit rito ay natalakay na noon pang 2010 nang tumakbo sya sa pagka-pangulo.

Ipinaliwanag pa ng dating pangulo na nang mabigyan siya ng pardon sa pagkaka-convict niya sa kasong plunder noong 2007 ay awtomatikong naibalik ang kaniyang political rights kasama ang karapatang makatakbo sa eleksyon.

Aminado naman si Vidal, complainant sa disqualification case, na kaibigan siya ni Lim.

Gayunman, iginiit nito na walang kinalaman ang alkalde sa kanyang isinampang reklamo dahil sarili aniya niya itong hakbang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply