Ex-FG Arroyo pinayagang makabiyahe ng Sandigan

PINAYAGAN ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Mike Arroyo na makabiyahe sa labas ng bansa.

Batay sa ipinalabas na resolusyon ng Sandiganbayan, pinayagan si Arroyo na makabiyahe sa Hong Kong at Japan mula Pebrero 3 hanggang 10 para dumalo sa speaking engagement.

Ang dating unang ginoo ay naglagak ng P90,000 cash bond.

Sa naganap na conditional arraignment kanina, naghain ng not gulity plea ang dating unang ginoo sa kasong may kaugnayan sa PNP chopper mess.

Sa oras na makabalik sa Pilipinas, kailangang mag-report ng dating unang ginoo sa Sandiganbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply