Ex-mayor at kapatid na acting mayor, muntik ng magbarilan

crime-gun

LAOAG CITY – Muntik magbarilan ang dating mayor ng Pagudpud at kapatid nito na siyang acting mayor sa nasabing lalawigan habang nag sasagawa ng Barangay Councilors League-Pagudpud Chapter kahapon ng umaga.

Agad namang nag responde ang Pagudpud Philippine National Police (PNP) nang matanggap ang nasabing impormasyon.

Bago maganap ang insidente, nagsasagawa umano ng election ang mga barangay councils sa session hall ng Pagudpud Municipal building na kung saan nanduon ang dating mayor na si Renolan “Teteng” Sales at kapatid nitong si Acting Mayor Marlon Sales.

Sa isinagawang election table ang resulta sa pangka-pangulo ng barangay councilors league election.

Nagdesisyon umano ang dalawang kandidato ng pagkapangulo ng nasabing samahan na sina Kagawad Rodei Rangasan at Kagawad Robert Maranoc na magtoss coin na lang.

Hindi natuloy ang toss coin dahil umano nagprotesta si Rangasan na ang isang invalid na balota ang isinama kay Maranoc.

Sa puntong ito, inakusahan umano ng nakakabatang Sales ang kanyang kapatid (Renolan) na nakikialam sa nasabing election at nagbitaw ito ng maaanghang na salita dahil ikinampanya ng dating mayor si Rangasan.

Nagpalitan ng mga maaanghang na salita ang magkapatid na Sales at muntik na itong magbarilan kung hindi naawat ng mga tao.

Sa imbestigasyon, inaalam ngayon ng lokal na police kung mayroong exemption ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang mga baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply