Ex-Quezon gov na kandidato para sa congress, iniurong ang CoC

LUCENA CITY– Sa kagustuhan niyang palakasin ang Liberal Party sa Quezon, isang dating  gobernador ang iniurong ang kanyang Certificate of Candidacy  (CoC) upang pagbigyan ang babaeng kandidato ng partido sa congressional seat sa ikatlong distrito ng lalawigan.

Maliban sa pag-atras ng  kanyang CoC, si dating Quezon Governor Eduardo Rodriguez ay binawi rin ang kanyang resignation letter bilang LP member. Dating district chairman si Rodriguez noong panahon ni Quezon Gov. Rafael Nantes.

Nalaman niya na ang LP ay walang kandidato sa pagka-congressman, kaya si Rodriguez, na isang independent candidate ay naghain ng kanyang CoC para sa puwesto noong hapon ng October 5, ang huling araw ng filing. Ng sumunod na araw ay nalaman ni Rodriguez na may isang abogadong Shiela de Leon, anak ng dating Quezon mayor, ang naghain din ng kanyang CoC sa huling minuto ng araw.

Tinanung kung bakit kahit hindi siya handang lumaban ay naghain pa rin ng CoC, sinabi ni Rodriguez na hindi niya mapapayagan ang opposition candidate ay tumakbo at manalo ng walang kalaban, tinutukoy nito ay si dating Rep. Aleta Suarez, asawa ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez at ina ni Quezon Gov. David Suarez..

Sinabi pa niya na nagdisisyon siyang lumaban bilang Independent dahil ang party leaders ng LP ay hindi siya kinukunsulta mula ng mag-umpisa ng filing ng CoC.

Sa isinagawang press conference na ginanap kahapon sa bahay ni Vice-Governor Vicente Alcala na nagdaos ng kanyang ika-61 kaarawan, ipinaliwanag ni Rodriguez na iniurong niya ang kanyang CoC upang pagkaisahin ang mga pinuno ng partido sa lalawigan at bigyang daan ang kandidatura ng environment lawyer na si Shiela de Leon, director ng environment watchdog na Tanggol Kalikasan sa Southern Tagalog. na kanyang sinabi na mas maayos na kandidato.

“I came up with the decision to withdraw my CoC this morning in order to strengthen our party in the province and to strengthen the candidacy of Atty. Shiela de Leon. Shiela is a better candidate than me considering her age, her being a human rights and environment lawyer and her being popular especially to youth. And to prove my sincerity, I also withdrew my resignation letter as LP member”, wika ni Rodriguez.

Si De Leon, 38, at dalaga ay anak ni Francisco de Leon, Jr. , dating mayor ng San Andres, Quezon at apo ni Francisco de Leon, Sr. , ang kaunaunahang nahalal na mayor sa bayang iyon.

Sinabi pa ni Rodriguez na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga pinuno ng partido ay naiayos na nitong mga nakaraang araw.

“I had a meeting with Agriculture Secretary Proceso Alcala, Vice-Gov. Alcala and other LP leaders a few days ago and I was convinced with their explanations why we had a misunderstanding in the past”, paliwanag pa ni Rodriguez na nagsilbing mayor ng Macalelon, Quezon  noong 1972 at naging gobernador ng lalawigan mula 1988 hanggang 1998.

Si Rodriguez kasama ni De Leon at mga mayoral candidates sa 3rd district, ay nangako ng kanyang suporta sa lahat ng mga kandidato ng partido mula national hanggang lolkal na level.

Sa panig naman ni Vice- Gov. Alcala, ay pinasalamatan niya si Rodriguez sa kanyang kooperasyon na pinaaabot sa partido, aniya na ang dating gobernador  ay isang malaking bagay sa ikatatagumpay ng mga kandidato ng partido sa buoong lalawigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply