Ex-warden ng Cebu prov’l jail, kasamang nasunog sa loob ng multicab

cebu-city

KASAMANG nasunog sa loob ng kanyang minamanehong multicab ang dating warden ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).

Kinilala ng kaniyang anak ang sunog na katawan ni retired Police officer Salvador Sanchez mula sa nasunog na multicab van sa Barangay Tabunan sa lungsod ng Cebu.

Ayon sa isang saksi, nakarinig muna ito ng pagsabog at nakita na lang nito ang pagliliyab ng sasakyan habang nasa loob ang biktima.

Ilang residente sa nasabing barangay ang nag-apula sa apoy gamit ang isang fire extinguisher ngunit hindi na nila nailigtas si Sanchez.

Inaalam pa ng kapulisan kung aksidente o may nangyaring krimen sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply