Extension ng expiry date sa prepaid load, pinag-aaralan na ng NTC

PINAG-AARALAN na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang posibleng pagpapalawig ng expiry date sa prepaid load.

Ito ang ipinahayag ni NTC Director Edgardo Cabarios matapos magdesisyong hindi maaaring tanggalin ang expiration date sa prepaid
loads dahil sa maintaining cost ng telecommunication companies.

Ayon kay Cabarios karaniwang tumatagal ng tatlong araw ang P10.00 load dahil nasa P4.00 ang maintaining cost ng ilang telcos kabilang ang Smart.

Kung tatanggalin ang expiration sinabi ni Cabarios na ang mga gumagamit ng cellphone ang siyang magbabayad ng maintaining cost ng mga hindi gumagamit o gumagastos ng load.

Inihayag ni Cabarios na pinag-aaralan nila ang extension ng expiry date o halimbawang patagalin ng apat o limang araw ang normal na
tatlong araw na expiration date para sa P10.00 load.

Inamin ni Cabarios na hirap silang gawin ito lalo na’t maraming datos at computation ang dapat nilang gawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply