Fake gun ban exemption permits kumakalat

comelec-3

INIHAYAG ng Commisison on Election (Comelec) na may kumakalat na pekeng gun ban exemption permits na nabibili sa halagang P1,200.

Ayon kay Comelec Commissionner Elias Yusoph, chairman ng Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa naturang isyu kung saan siya ang nakalagda.

Sinabi pa ng opisyal na makikita sa orihinal na permit na hindi lamang siya ang may lagda kundi maging sina Chief Superintendent Miguel Antonio, Jr. ng Philippine National Police (PNP) at General Rodelio Santos ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bukod dito, gumagamit din ang Comelec ng security paper na may watermark ng komisyon.

Kaugnay nito, nagbabala ang komisyuner na kakasuhan ng falsification of public document ang sinomang mahuhulihan ng pekeng permit bukod pa sa may nakaambang pagkakakulong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply