Firecracker-related injuries pumalo na sa 413

PUMALO na sa 413 ang naitalang firecracker-related injuries.

Sinabi ni Health Secretary Entrique Ona na mula sa nasabing bilang ay 404 dito ang pawang naputokan habang ang walo ay tinamaan ng ligaw na bala at ang isa naman ay nakalulon ng paputok.

Karamihan naman sa mga biktima ng paputok ay mga bata na nasa edad 10 pababa na may 50 porsyento.

Anang kalihim, 219 sa mga naitalang kaso ay pawang dahil sa ipinagbabawal na paputok.

Gayunman, mas mababa pa rin anya ito ng 17-porsyento kumpara sa naitalang bilang ng mga firecracker-related injuries sa parehong panahon noong isang taon.

Kaugnay nito, umaasa naman si Ona na lalo pang mababawasan o kaya naman ay tuluyan nang mawala ang ganitong kaso ng paputok sa susunod na taon dahil na rin sa mga pinsalang naisulot ng paputok.

Nabatid na hanggang Enero 5 pa ang monitoring para sa firecracker-related injuries dahil posible pa aniyang may mga magpapautok pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply