Firecrackers na di’ pumutok, wag’ nang sindihan

NGAYONG tapos na ang New Year revelry, nagbabala kaninang umaga ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko laban sa pagsindi sa mga paputok na hindi sumabog nitong pagsalukbong sa Bagong Taon.

Sinabi ni BFP Metro Manila head Chief Superintendent Santiago Laguna na ang nasabing unexploded firecrackers ay may dulot na malaking panganib sapagkat maari silang sumabog anomang oras.

“Ang hindi pumutok mas delikado ‘yan,” paliwanag ni Laguna.

Pinyuhan ni Laguna ang publiko na imbes paputukin ay kolektahin ito at buhusan ng tubig at saka ibaon sa lupa.

Nauna nang naitala ng Department of Health (DOH) na may 171 revelry-related injuries mula alas 6 p.m. New Year’s Eve hanggnag alas 6 a.m. noong Bagong Taon.

Samantala, sinabi ni Santiago na limang sunog lamang ang naitala sa Metro Manila simula hatinggabi hanggang alas 6 a.m. na malaki ang kabawasan sa dating 12 na naitala noong nakaraang taon.

Sa limang sunog, isa lamang aniya ang firecracker-related.

“Isa lang ang tinututukan natin na firecracker-related, ang iba sanhi ng electrical overloading,” dagdag pa ni Santiago.

Parte aniya ito ng information campaign na kanilang ikinasa sa publiko na magingat laban sa sunog.

Sinalubong naman ng usok ang tambak ng basura ang ilang bahagi ng Metro Manila sa unang oras ng taong 2013, matapos ang New Year revelry.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply