Firework-related injuries pumalo sa 862

doh-eric-tayag-2

PUMALO na sa mahigit 862 ang kabuuang bilang ng firework-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na ang naturang bilang ay naitala simula Disyembre 21 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Sabado, Enero 5.

Ani Tayag, mas mababa ito ng 16 porsiyento kumpara sa naitalang kaso sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang ay 835 ang nasugatan sa paputok, habang 25 ang tinamaan ng ligaw na bala kabilang ang dalawang batang nasawi sa Mandaluyong at Caloocan. Dalawa naman ang kaso ng firework ingestion.

Samantala, sinabi ni Tayag na magtatapos na ang kanilang surveillance sa mga firework-related injuries hanggang alas-6:00 ng umaga bukas, Linggo.

Ilalabas aniya ng DOH ang pinal na report nito sa mga taong nasugatan sa paputok sa Lunes.

Nabatid na noong nakaraang taon, umaabot sa 1,015 firework-related injuries ang naitala ng kagawaran, na kinabibilangan ng 981 sugatan sa paputok, 29 sugatan sa stray bullet at limang firework ingestion.

Nakapagtala na rin ang DOH ng unang biktima ng tetanus, na isang 27-anyos na lalaki na nasugatan sa kuwitis sa Bulacan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply