FOI Bill, nakabinbin pa rin

FOI-bill

NAKABINBIN pa rin ang kapalaran ng Freedom of Information (FOI) Bill sa mababang kapulungan ng kongreso.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, tinitimbang pa nila ang pagasa ng FOIL Bill na pumasa bago magbakasyon ang kongreso.

Higit na positibo naman ang pananaw ni Cong. Ben Evardone na House Committee on Information sa pagasang mapagdebatehan at mapagbotohan ang FOI Bill sa natitirang siyam na session days ng kongreso.

Sa Enero 21 magbabalik trabaho ang mga mambabatas subalit muling magbabakasyon sa Pebrero 8 para maghanda sa kampanya sa eleksyon.

Sinabi naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na patapos na ang sesyon noong Disyembre nang maibigay sa Committee on Rules ang kopya ng panukala at masyadong nakatutok ang Kamara sa pagpapasa noon ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ito umano  ang dahilan kaya nabinbin ang FOI bill noong isang taon.

Ayon pa kay Gonzales, umaasa siyang magkakaroon ng quorum ang Mababang Kapulungan para matapos na ang nabinbing panukala.

Bukod dito naging problema  sa pagsusulong ng mga panukala noong isang taon ang pagliban ng iba’t ibang mambabatas, dahilan para mawalan ng quorum ang sesyon.

Halos siyam na araw lang ang magiging sesyon ng Kamara sa pagbabalik nito upang magbigay-daan sa pangangampanya ng mga re-electionist senator.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply