FOI bill umusad na sa Kamara

FOI-bill

NABUHAYAN ng loob ang mga kongresistang nagsusulong sa pagsasabatas ng Freedom of Information bill matapos itong umusad sa plenaryo at masimulan ang sponsorship deliberation.

Mismong si House Deputy Speaker Erin Tañada na siyang ring pangunahing may-akda ng FOI ang siyang nag-sponsor sa panukala kahit sinabi pa ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Public Information na handa siyang idepensa ang panukala sa plenaryo.

Sa kanyang speech, ay sinabi ni Tañada na muling nagtala ng panibagong kasaysayan ang 15th Congress dahil sa pagsusulong sa FOI at maisailalim ito sa deliberasyon.

Ito ay sa kabila ng kawalan ng malinaw na senyales kay Pangulong Benigno Aquino III kung dapat bang ipasa ang panukala o hindi gayung sa panahon ng kanyang pangangampanya ay kanya itong sinuportahan.

Ayon kay Tañada ang FOI ay maituturing na “substantive and procedural details necessary for the effective operationalization of the people’s right to information, enshrined side by side with the great fundamental guarantees to a free and democratic people in our Bill of Rights.”

Partikular na tinukoy ng kongresista na ang panukala ay naglalaman ng karapatan ng mamamayan na malaman kung paano ginagampanan ng pamahalaan at ng mga pinuno at kawani nito ang kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanya ng taong-bayan, at kung paano nito pinangangalagaan ang kaban ng bayan na nagmula sa pawis at pagod ng mamamayan.

Bagama’t may limang araw pang nalalabi ang Kongreso para sa sesyon ay patuloy na hinihimok ni Tañada ang kanyang mga kasamahang mambabatas na pag-aralang mabuti ang FOI upang makaboto ng naaayon sa ikabubuti ng pamahalaan, ika-uunlad ng ekonomiya at makabuluhang serbisyo publiko.

“I appeal to the Rules Committee to exercise its power under Rule X, Section 52 of our Rules, and declare the FOI bill URGENT, and pursuant therewith prepare the timetable fixing the number of days and hours to be allotted to the consideration of the bill, the date and hour debate must be concluded and final vote taken on second and third reading. Needless to state, such timetable should allow for sufficient time for bicameral conference and its ratification before we bring the 15th Congress to a close.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply