FOI naghihingalo na

FOI-bill

MALABO ng maisalang pa at mapagdebatehan sa plenaryo ng Kamara ang Freedom of Information (FOI) bill.

Aminado ang ilang mambabatas na kapos ang nakukuhang suporta ng panukala mula sa liderato ng Kamara ng 15th Congress.

Ang kawalan ng korum kanina ang siyang sinisisi nina Ako Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe at Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party list Rep. Sherwin Tugna.

Sa ngayon, ayon kay Tugna, ay abala na ang mga kongresista sa kampanya sa kani-kanilang distrito.

Ngunit patuloy pa ring umaasa si Quezon Rep. Erin Tanada, pangunahing may-akda ng FOI bill na mapagdedebatihan ang nasabing panukala dahil binigyan umano siya ng kasiguruhan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.na maiisponsoran na ito bago pa mag session break ang Kongreso ngayong Pebrero 8.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply