Foreign investment pledges ng bansa, bumaba ng 5%

nscb

BUMABA ng limang porsiyento (5%) ang halaga ng foreign investment pledges noong nakaraang taong 2012, ayon sa ulat ng National Statistical Coordination Board.

Sinabi ng NSCB na umabot lamang sa P86.1-B ang commitments na natanggap mula sa mga foreign investor noong Enero hanggang Setyembre 2012.

Ang naturang halaga ay mas mababa sa P90.3-B noong kaparehong mga buwan noong 2011.

Pinakamalaki pa ring pinagmumulan ng foreign investment ang Japan na may P30.1 billion sa loob ng siyam na buwan, at sinusundan naman ito ng the Netherlands na may P13.5-B at Estados Unidos na may P8.1-B.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply