Nene tinamaan ng ligaw na bala, patawirin

INIUTOS na kaninang umaga (Enero 2) ni Metro Manila police Director Leonardo Espina sa kanyang mga tauhan na alamin kung sino ang nagpaputok ng baril na ang bala ay tumama sa ulo ng isang batang babae sa kasagsagan ng New Year’s revelry sa Caloocan City.

Ang pag-askyon ni Espina ay kasunod ng pag-apela ng pamilya ng biktimang si Stephanie Nicole Ella, 7-anyos at residente ng Caloocan City sa PNP na panagutin ang may sala.

Kasama rin sa direktiba ni Espina sa kanyang binuong police investigators ay ang paggamit ng forensic methods para malaman kung anong klase ng baril ito at kung sino ang may-ari at ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito.

Sa makabagong pamamaraan aniyang ito ay mapapadali ang pagtukoy sa perpetrator at mapanagot sa krimen.

Sa kasalukuyan, nasa intensive care unit (ICU) ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Ella, isang mahusay na grade 1 pupil na laging nananalo sa mga school contest.

Nitong 12:15 ng Martes ng madaling araw, nanood ang pamilya Ella ng mga nagpapapautok sa kalsada nang bigla itong nabuwal sanhi ng tama ng ligaw na bala sa ulo.

Ayon kay Dr. Emmanuel Bueno, medical specialist III ng EAMC na hindi pa matanggal ang tumamang bala na bumaon sa kaliwang parte ng utak ng biktima dahil baka lalong makasama ito kapag ginalaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply