Founder ng Aman Futures kinasuhan na sa korte

manuel-amalilio1

IPINAGHARAP na ng kasong syndicated estafa sa Pagadian RTC ang founder ng Aman Futures na si Manuel Amalilio at iba pang opisyal ng kumpanya.

Sa resolusyon ng Department of Justice, nakasaad na nakitaan ng probable cause para isampa ang kasong syndicated estafa kaugnay ng anila’y grand scale pyramiding scam na nambiktima ng libo-libo katao.

Bukod kay Amalilio, kasama sa mga kinasuhan ay sina Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lopez at Isagani Laluna.

Habang sa hiwalay na resolusyon bukod sa mga nabanggit ay kasama rin sa mga kinasuhan sina Nimfa Luna, Dona Coyme, Dharwin Wenceslao, Dhurwin Wenceslao habang ibinasura ang kaso laban sa iba pang staff ng Aman dahil na rin sa kawalan ng sapat na probable cause.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, posibleng nai-raffle na kahapon ang kaso.

Aabot sa P46 milyon at P3 milyon ang mga sangkot na halaga sa mga nasabing kaso na isinampa sa korte

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply