FRIENDLY

trending-ngayon-sonny-angara

MATAPOS kong mabatid ang mga sentimiyento ng ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao, aking ipinananawagan ang agad na pagsasabatas ng isang panukalang batas laban sa anumang uri ng diskriminasyon sa lahi, etnisidad, at relihiyon.

Nilalaman ng Anti-Racial, Ethnic and Religious Discrimination Act o House Bill No. 4807 (na co-author ako) ang pagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan para sa pantay-pantay na pagtrato sa bawat isa at pagwawaksi sa stereotypes at prejudices.

Kahit nalalapit na ang pagtatapos ng 15th Congress, may panahon pa para mapag-isa sa bicameral conference committee ang ilang hindi magkakatugmang probisyon sa mga bersiyon ng Kamara at Senado (ang Senate Bill No. 2814) na parehong aprubado na noon pang 2011.

Nagkakaisa ang Kamara at Senado sa pagbibigay ng parusa laban sa sinuman na gagawa sa kanyang kapwa ng mga akto ng diskrimasyon na may kaugnayan sa lahi, etnisidad, at paniniwala sa relihiyon.

Itinatadhana ng ating Konstitusyon ang karapatan ng tao para sa kanyang dignidad at nilalayon ng panukalang batas na lalo pang patibayin ito.

Dahil sa pagtiyak ng makataong pagtrato sa lahat (may pagbibigay-diin sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao), makatutulong ang panukala para sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan sa buong bansa.

***

SA Italy, iniwan ni Ghanian international Kevin-Prince Boateng at ng iba pang itim na manlalaro ng AC Milan ang kanilang soccer game (friendly) dahil sa racist chants o mga panlalait na may kaugnayan sa lahi ng fans ng kanilang kalabang Pro Patria.

Dahil sa hindi na masikmura ni Boateng ang panlalait ng ilang elemento mula sa mga tagasuporta ng Pro Patria, kanyang pinangunahan ang pag-iwan sa laro at sinamahan siya ng kanyang mga kakampi.

Sa panayam ng reporters kay Milan coach Massimiliano Allegri, ito ang nilalaman ng kanyang pahayag:

“We are disappointed and saddened by what has happened. Milan play for the right to respect all players. We need to stop these uncivilized gestures.

“We are sorry for all the other fans who came here for a beautiful day of sport. We promise to return, and we are sorry for the club and players of Pro Patria, but we could not make any other decision.

“I hope it can be an important signal.”

Sa Pilipinas, madalas na nangyayari ang ganito, parang hindi na natin kailangan pang tumingin sa malayo.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply