Garbage-free na prusisyon panawagan

black-nazarene

NANAWAGAN ang isang environmental group sa milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno na inaasahang lalahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9 na gawing ‘garbage-free’ o ‘basura-free’ ang okasyon.

Hinimok ng grupong EcoWaste Coalition ang mga deboto na iwasang magkalat ng basura sa pagsasagawa ng traslacion sa imahe sa paligid ng Quiapo.

Ayon sa grupo, dapat na panatilihin ng mga deboto ang kalinisan sa okasyon, partikular na sa paligid ng Quiapo Church at mga lugar na dadaanan ng prusisyon.

Paliwanag ng grupo, ito ay bilang pagpapakita ng kanilang tunay na pananampalataya at respeto sa santo.

Taun-taon, tuwing matatapos ang pista ng Nazareno ay tone-toneladang basura ang iniiwan ng mga deboto hindi lamang sa dinaraanan ng prusisyon kundi maging sa paligid mismo ng simbahan ng Quiapo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply