Gas leak dahilan ng pagsabog sa The Fort

manhole-explosion

GAS LEAK sa water drainage system sa 7th Avenue at 38th street sa Bonifacio Global City, Taguig ang itinuturong dahilan ng isang pagsabog sa The Fort kanina lamang.

Kaninang alas-4 ng hapon ay nagkagulo ang mga tao sa The Fort nang may sumabog sa isang water drainage system sa 7th Avenue at 38th street sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nabatid na nabalot ng takot ang mga tao sa lugar nang umangat ang mga manhole dahil sa malakas na pagsabog.

Agad namang kinordonahan ang naturang lugar ng mga pulis.

Wala namang nasugatan at nasira sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply