Gawad Muyong Award nasungkit ng “Health & Travel @ Serbisyong Publiko”

1

Lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod kina DENR Secretary Ramon J.P. Paje at MGen. Renato P. Miranda, ang chairman at executive director ng Anti-Illegal Logging Task Force (AILTF) sa Gawad Muyong na ipinagkaloob nila sa akin at sa programa ng inyong lingkod, “Health & Travel @ Serbisyo Publiko”  sa DWBL 1242kHz nitong December 27, 2012 sa Social Hall, DENR Main Building.

Sa napakaganda at pinaghirapang sertipiko na kanilang ibinigay, sinasabi ditong kinilala nila ang programa ng INYONG LINGKOD sa DWBL 1242 kHz dahil sa tulong na naibigay nito upang maiparating sa higit na nakararami ang mga magagandang nagawa, mga iba’t ibang isyung pang-kalikasan na dapat pag-usapan, at mga sumbong na agad na binigyan ng atensiyon at aksiyon ng pamunuan ng AILTF.

Nakakataba ng puso ang parangal na ating natanggap dahil nakadama tayo ng fulfillment na mayroon pala tayong nagawa para sa pagsalba sa ating nauubos nang kagubatan at nasisira na nating kalikasan at kapaligiran.

Naging madamdamin tuloy ang naging acceptance speech ng inyong lingkod.

Ang Gawad Muyong ay hango mula sa kinikilalang forest conservation strategy, watershed rehabilitation, farming system, at isang Assisted Natural Regeneration (ANR) strategy ng mga Ifugao na konkretong makikita sa kamangha-manghang Rice Terraces of the Philippine Cordillera na isa sa mga deklaradong World Heritage Sites ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO).

Ayon kay Atty. Jonas R. Leones, head executive assistant ng DENR, na magpapatuloy si MGen. Miranda sa kanyang trabaho sa ngalan ng kalikasan subalit mas bibigyang-pansin ng tangapan nito ngayon ang paglikha ng hanapbuhay sa mga apektadong komunidad ng Executive Order No. 23, at pagpapalawak ng impormasyon hinggil sa mga batas-pangkalikasan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply