Gay bumira ng winning basket

rudy-gay

ISA sa maiinit na usapin sa NBA trade ay ang pangalan ni Rudy Gay, napapabalitang pupunta siya sa Toronto o sa Boston subalit hangga’t nasa Memphis siya ay tutulong muna ito para manalo ang Grizzlies.

Kanina ay tumikada si Gay ng winning basket upang buhatin ang Memphis sa panalo laban sa Philadelphia 76ers, 103-100 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association regular season.

”Whether I’m here or not, it shouldn’t affect this team,” ani Gay na bumira ng 26 puntos, pitong rebounds at limang assists. ”I’m going to be a professional about it and make sure that it doesn’t.”

Sumablay si Grizzlies guard Jerryd Bayless subalit nasunggaban ni Gay ang rebound upang isalpak ito at makuha ang lamang ng Memphis, 101-100 may 13.3 segundo na lang sa orasan.

”When the ball’s up, you’ve got to go it,” ani Gay. ”I just went to go get it.”

Hindi naman pumasok ang tira Sixers forward Thaddeus Young kaya napunta sa Memphis ang bola at sinalpak ni Gay ang dalawang free-throw matapos siyang ma-foul upang maging tatlo ang lamang ng Grizzlies.

”Wherever I go, I’m going to be me.” Sabi ni Gay.

Nanguna sa opensa ng Memphis si center Marc Gasol na tumikada ng 27 pts. at tig-pitong rebounds at assists habang sumiklab ng season-high 21 points si Bayless upang habulin ang 17 puntos na lamang ng Sixers.

Nasa pang-apat na puwesto ang Memphis sa Western Conference hawak ang 29-15 win-loss record.

Si Evan Turner ang nanguna sa opensa ng 76ers na may 27 puntos habang pumangalawa si Young na nag-ambag ng 23 pts.

Samantala, gabuhok na tinalo ng Denver Nuggets ang Indiana Pacers, 102-101.

Wala nang isang segundo, (0.5) ng mag-inbound pass ang Nuggets at disgrasyang na foul si Andre Iguodala upang isalpak ang unang free-throw at isablay ang pangalawa.

Sa ibang resulta ng laro, nanaig ang Golden State Warriors sa Toronto Raptors, 114-102 habang pinaluhod ng Sacramento Kings ang Washington Wizards, 96-94.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply