Gerald Anderson, sinigaw-sigawan, Maricel Soriano tigbak agad sa “Bukas Na Lang Kita Mamahalin”

gerald-maricel

TALSIK na si Maricel Soriano sa kanya sanang comeback teleserye sa ABS-CBN na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” makaraang sigaw-sigawan sa hindi pa malamang dahilan ang lead actor na si Gerald Anderson.

Lumalabas sa report na basta na lang tinalakan ni Maricel sa unang araw pa lang ng taping si Gerald.

Sa inilabas na pahayag ni ABS-CBN Corporate Communications Head Bong Osorio, bagamat hindi niya nilinaw ang totoong dahilan ng kanilang desisyon, inamin nitong mas pinili na lang ng network at maging ng grupo ni Maricel na alisin na lang ang aktres sa nasabing proyekto.

“Due to the unfortunate incident between Gerald Anderson and Maricel Soriano that transpired on the first taping day of “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” the ABS-CBN management and the management of Maricel Soriano have agreed that Maricel will no longer be part of the cast. The teleserye starring Gerald Anderson will proceed as scheduled.”

Bida rin sa “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply