Gilas mapapalaban sa Dubai

dubai

NAKATAKDANG umalis sa bansa bukas ang Smart Gilas Pilipinas national men’s team upang lahukan ang gaganaping 24th Dubai International Basketball Tournament 2013 sa Al Ahli Club sa Ghusais, Dubai, United Arab Emirates.

Sa Huwebes magsisimula ang nasabing liga na magtatapos sa Enero 19 kung saan maglalaro ang Gilas ng walang import.

Makakatapat ng Smart Gilas ang mga koponan na may dalawa hanggang tatlong reinforcements kaya naman pihadong dadaan sila sa butas ng karayom.

Walong team ang lumahok sa 10-day hoopfest sa Dubai.

Bukod sa Pilipinas ay kasali ang Al Riyadi Aramex ng Jordan, Almaty ng Kazakhstan, dalawa buhat sa host country (UAE national squad at Al Ahli Dubai) at tatlo sa Lebanon (Mouttahed Tripoli, Al Riyadi at Sagesse).

Ayon kay head coach Chot Reyes, sinadya niya ito upang matuto ang kanyang mga bataan at bilang paghahanda na rin sa mas mahalagang 27th FIBA-Asia Championship sa August sa Beirut, Lebanon, ang qualifier sa 1st IBA World Cup 2014 sa Brazil.

Nasa Group I ang Phl 5, at unang makahaharap ang Mouttahed sa Jan. 11 kasunod ang Ah Ahli sa Jan. 12 bago tatapusin ang preliminaries kontra Al Riyadi.

Kasamang aalis ni Reyes si assistant coach Jong Uichico at players na sina Marcus Douthit, Greg Slaughter, Nino Canaleta, Ronald Pascual, Jake Pascual, Garvo Lanete, Ronjay Buenafe, Matt Rosser, Justin Melton, Kevin Alas, RR Garcia at JayR Reyes.

Pagkatapos sa Dubai ay sasabak naman sila sa Hong Kong open na magsisimula sa Enero 22 hanggang 27.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply