Ginang lumaklak ng pesticide tigbak

poison

PATAY na nang matagpuan ang  ginang makaraang lumaklak ito ng pesticide sa loob ng kanilang bahay sa Koronadal City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat na ipinadala ng PNP Koronadal sa Camp Crame, uminom ng isang uri ng herbicide ang biktimang si Matilde Feliciano-Patosa, residente ng Purok  Cinderila, Barangay General Paulino Santos, ng nasabing siyudad.

Ayon sa paunang pagsisiyasat, sinasabing may sakit sa pag-iisip ang ginang at posibleng dala ng sobrang depresyon ay nagpasya itong wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason.

Lumabas pa sa pagsisiyasat ng Koronadal City PNP, na nagsosolo lang sa bahay ang biktima dahil nasa kanilang bukirin ang asawa nang isagawa ng pagpakamatay.

Nabatid na nadatnan na lamang ng asawa nito na nakabulagta at wala nang buhay ang kanyang misis na bumubula pa ang bibig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply