Ginang natagpuang patay ni mister

crime-scene-4

TADTAD ng saksak at naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ng isang mister ang kanyang asawa sa banyo ng kanilang bahay sa Buhi, Camarines Sur.

Sa report, natagpuan ni Felix Monge ang asawang si Socorro Monge na wala nang buhay at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober sa tabi ng biktima ang isang kutsilyo na siyang ginamit sa pagpaslang sa kanya.

Anggulong pagnanakaw ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaslang dahil nawawala umano ang ilang alahas na suut-suot ni Socorro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply