Ginang tiklo sa pagtutulak ng droga

tiklo

TAGUIG CITY – Huli na para sa isang ginang na magsisisi pa sa kanyang ginawang pagkakamali ng bitbitin ito ng mga undercover agents ng SAID-SOTG sa ilalim ng pamumuno ng bagong Chief-of-Police na si PSSupt. Arthur Felix E. Asis sa J. Ramos Street, Brgy. Ibayo Tipas ng naturang lungsod noong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat na ipinarating ni PCInsp. Jerry O. Amindalan sa kanilang CoP, sinabi nito na matagal na aniya nilang sinusubaybayan ang suspect na nakilalang si Evelyn A. Bobotiok, alyas “Belen” 42, at nakatira sa 1322 J. Ramos Street, Brgy. Ibayo Tipas dahil sa mga sumbong at reklamo na ipinararating sa kanilang himpilan ng mga concerned citizens.

Matapos ang ilang araw na tactical surveillance na ikinasa ng mga awtoridad laban sa pinaghihinalaang drug pusher, dakong 1:30 ng hapon ng mailatag ang buy bust operation kung saan ay nasamsam nina SPO1 Napoleon Tongco at PO3 Elric Valle ang may 0.59 gramo ng pinaniniwalaang shabu sa nasukol na ginang.

Sa report ng SPD, kinupirma ng mga forensic experts nito na ang mga nakuhang ebidensiya sa suspect ay positibong methamphetamine hydrochloride o dangerous drugs.

Nahaharap sa walang piyansang paglabag sa R.A9165 ang ikinulong na salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply