Ginang uminom ng insecticide, patay

poison

NAGPAKAMATAY ang isang ginang na hinihinalang uminom ng insecticide sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Rizal, Ponteverde, Capiz.

Bumubula pa ang bibig ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Balacano nang datnan ng kanyang pamilya sa loob ng kanilang silid.

Ayon sa imbestigasyon, pinaniniwalaan nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pag-inom ng insecticide dahil sa nangangamoy pa ang bibig nito dahil sa bulang lumalabas dito.

Tinangka pa na isugod sa pagamutan ang ginang pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor sa sumuri biktima.

Ayon sa pamilya, may ilan araw na nilang nakikitang walang kibo ang ginang at malalim ang iniisip pero hindi nila umano akalain na magpapakamatay ito.

Wala naman umano silang alam na dahilan kung bakit magpapatiwakal ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply