GININTUANG MANILA BAY NOON AT NGAYON

hilda-online-logo

AYON kay DENR Secretary Ramon JP Paje “Kung nais natin ng maganda, maayos at higit sa lahat, malinis na kapaligiran, disiplina ang ating kailangan”.

Sa lahat ng karagatang nakapaligid sa ating bansa ang Manila bay (Look ng Maynila) ang pinakamakasaysayan. Dito sa pook na ito dumaong ang mga banyagang manlulupig noong unang panahon. Ito ay isa ring atraksyong panturista noon at magpahanggang ngayon.

Ang Manila Bay ay ginagawang pook pasyalan ng mga tao. Ang lugar na ito ay tunay na kaibig-ibig, lalo na sa mga magsing-irog na namamasyal at naghihintay sa paglubog ng araw. Dito mo masisilayan ang mala-gintong tubig sa dagat at magandang anggulo ng araw kapag ito ay papalubog na. Sa pook na ito nagsusumpaan ang magsing-irog samantalang sila ay nakaupo sa baybay dagat habang umiihip ang hanging malamig buhat sa karagatan. Talaga namang napakasarap lumanghap ng sariwang hangin sa umaga habang naglalakad-lakad o kaya ay nag-jojogging, nagbibisikleta, nakaupo at nagpapalipas ng oras. Tunay na kasiya-siya at nakalilibang ang pamamasyal dito.

Sa kasalukuyang panahon natin, tila mo ang lahat nang nabanggit ay kabaligtaran sa tanawin noon. Ang Manila Bay na kahanga-hanga noon ay isa nang di kanais-nais na tanawin sa ngayon.

Mapagmamasdan mo ang maitim at maruming tubig dahil sa basurang naglutangan. Mga dumi ng pagawaan (factories) na ang mga marumi at nakakalasong kemikal ay doon ibinubuga at dumadaloy. Nagiging dahilan ng napakaruming tubig na ni hayop ay di na makuhang maglublob sa dahilang nakadidiri ito. Kaya kapag nakakakita ang mga otoridad ng mga taong pasaway at ipinagpipilitan ang patuloy na paliligo sa Manila Bay dito na pumapasok ang problema. Maraming mamamayan ang nagkakasakit sa balat dahil sa mga mikrobyong likha ng maruming tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply