Globe Telecom tower sa Zambo pinasabog, 1 sugatan

globe-tower-blasts

ISA ang sugatan nang pasabugin ng improvised explosive fevice (IED) ang tower ng Globe Telecom sa Siocon, Zamboanga del Norte.

Nabatid na bandang alas-4:00 ng umaga kanina nang mangyari ang pagsabog.

Nawalan din ng suplay ng kuryente sa lugar nang hagisan ng mga nakamotorsiklong lalaki ang IED malapit mismo sa kinalalagyan ng nasugatang security guard.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktima at ligtas na rin sa kapahamakan.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply