GM crops mas ligtas kainin kaysa street foods – BPI

MARIING hinikayat ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang publiko na mas tangkilikin na kainin ang mga genetically modified (GM) crops kaysa sa mga street food na kinagigiliwang kainin ng marami tulad ng fishball, kwek kwek, isaw, betamax at iba pa.

Ayon kay Vivencio Mamaril, BPI crop scientist, mas dapat bigyang pansin ng publiko ang mga genetically modefied crops dahil sumailalim ito sa mga mas matinding pagsusuri at environmental assessments na bentahe na ligtas kainin ang mga produktong ito kaysa sa mga street food na hindi tiyak ang kaligtasan dito ng publiko .

Kinuwestyon din ni Mamaril kung bakit ang mga anti-GM campaigners ay sobrang ingay para labanan ang pagtangkilik dito pero tahimik naman sila sa pagkilos para labanan ang mga street food.

“We may not all be so assiduous in guarding our rights in this situation, but what about on the food we eat? Are we always concerned with the safety of the food we consume? Is food quality in terms of safety our parameter in choosing what we eat? Do we read labels or are we more concerned with the price of the product we buy? These are the many questions that most consumer behavior researchers undertake,” pahayag pa ni Mamaril.

Binigyang diin nito na patuloy silang nakikibaka para ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga GM foods.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply