GM So pakay ang solo top spot

wesley-so-1

NAGKASUNDO sa draw sina super grandmasters Wesley So at Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam sa round 4 kagabi upang manatiling magkasalo sa top spot ng nagaganap na Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay International Convention Center.

Parehong may tig 3.5 points sina top seeded So, (elo 2682) at No. 2 ranked Son, (elo 2631) at kailangan nilang manalo sa susunod na laban upang mapalakas ang kanilang tsansa na makakuha ng slot para sa World Chess Cup 2013 sa Tromso, Norway na gaganapin mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5, 2013.

Bukod sa cash prizes sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) ay dalawang upuan ang nakataya para sa makasulong ng piyesa sa World Cup.

Sa round 5 ngayong hapon ay nakatakdang harapin ni Pinoy top player So si IM Gundavaa Bayarsaikhan ng Mongolia habang si Son ay kikilatisin si Pinoy GM Darwin Laylo.

Parehong may tig 3 pts. sina ranked No. 11 Laylo, (elo 2491) at seed No. 6 Gundavaa, (elo 2522) matapos mag resulta sa tabla ang laban nila.

Kasalo nina Laylo at Gundavaa sa third to seventh spot sina defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia, IM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam at FM Haridas Pascua.

Tinalo si Megaranto si IM Rolando Nolte habang si Pascua ay sinilat ang kababayang si GM John Paul Gomez.

Magtatapat sina Megaranto at Hoa habang si Pascua at mapapalaban kay 12-time national champion GM Rogelio “Joey” Antonio.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply