Granada sumambulat sa isang bahay sa CDO

crime9

PINASABOG ang isang granada ng hindi pa kilalang mga suspek sa bahay ng Muslim-Maranao sa Balongis, Brgy. Balulang sa syudad ng Cagayan de Oro.

Nabatid na pinasabog ang isang M26 grenade sa tapat ng bahay ng nagngangalang Nestor Nashrudin Maruhom, market vendor, sa lungsod.

Wala namang naiulat na taong sugatan matapos ang nasabing pangyayari.

Ayon kay Maruhom, wala siyang maisip na mayroong mga taong nakaalitan na maaaring nagsagawa ng paghihiganti laban kanyang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply