Grizzlies yuko pa rin kahit wala si CP3 sa Clippers

chris-paul

KAHIT wala si All-Star player Chris Paul ay nagawa pa ring dispatsahin ng Los Angeles Clippers ang Memphis Grizzlies, 99-73 sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Binuhat nina reserves Jamal Crawford at Matt Barnes ang Clippers matapos magtala ng tig 16 puntos at pagandahin ang team standing sa 29-9 win-loss slate.

Nadadalawahan na ng Clippers ang Grizzlies sa season na ito matapos ang 101-92 panalo ng una noong Nobyembre 1, 2012.

Si Eric Bledsoe ang humalili kay Paul sa pagtitimon ng bola kung saan ay naka 14 puntos ito sa 28:26 minutong paglalaro.

Nag-ambag din si All-Star forward Blake Griffin ng 10 points, anim na rebounds at limang assists upang itarak ang two-game streak ng Clippers at ilista ang ikatlong sunod na kabiguan ng Grizzlies.

Napako naman ang panalo ng Memphis sa 24 habang ang talo nila ay lumubo na sa 12.

Samantala, sinilat ng Utah Jazz ang defending champion Miami Heat, 104-97 habang ang Oklahoma City Thunder ay nanaig sa Phoenix Suns, 102-90

Sa ibang kaganapan, niratrat ng mahinang Washington Wizards ang Orlando Magic, 120-91.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply