Gun ban violators, 100 katao na

gun-ban-1

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) na umakyat na sa 100 katao ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na gun ban kaugnay ng May 13 midterm elections.

Nabatid na ang naturang bilang ay naitala, isang linggo matapos ang pormal na pagsisimula ng gun ban noong Enero 13.

Kabilang sa mga lumabag sa gun ban ay 95 sibilyan, apat ang government officials at isa ang military.

Dalawa umano sa mga nasabing gun ban violators ang nasawi pa nang tangkaing manlaban sa mga awtoridad.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng PNP sa Comelec na lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatupad ng gun ban, kaya’t inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga paglabag na maitatala ng kapulisan habang papalapit ang araw ng halalan.

Ang election gun ban ay inaasahang magtatagal hanggang sa Hunyo 12, isang buwan matapos ang halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply