Sa tabi ni mister, ginang niluray ng 2 kapitbahay

rape

KULONG ang dalawang mister matapos halayin ang natutulog na ginang sa tabi mismo ng natutulog na asawa nito sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Nolito Quitalig, 37 at Jovani Polloso, 35, kapwa ng PNR compound, ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 26, dakong alas-3:00 ng madaling araw nagising siya nang maramdamang may tumabi sa kanya.

Dahil pinagbantaan ng mga suspek na papatayin ang kanyang asawa ay hindi nakapalag ang ginang na tuluyang nagahasa.

Nang kapwa makaraos ay lumabas na ng bahay ang mga suspek.

Kinaumagahan ay nagsumbong ang biktima sa kanyang biyenan at sinamahan sa presinto at ipinadakip ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply