‘Demonyo’ sugatan sa ligaw na bala

crime11

SUGATAN ang isang alyas Jr. Demonyo matapos tamaan ng ligaw na bala habang nakikipag-inuman sa Caloocan City kagabi, Enero 14.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang binti si Jericho Agustin, 23, ng 3rd Avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa BMBA cmpd., 3rd Avenue ng lungsod nang biglang mag-init ang binti.

Nang tingnan ay nagdurugo na hanggang sa mawalan ng malay na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino galing ang balang tumama sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply