HABANG NAGPAPATAYAN NASA NEW YORK SI SEC. ROXAS

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

BAKA naman may nakikilala kayong tumutugon sa pangalang Mar Roxas na nakasasakop sa PNP.

Pakisabi n’yo lang sa kanya na sobrang dami ng nangyayaring patayan sa ating bayan baka hindi pa niya namamalayan.

Habang nagluluksa ang pamilya ni Stephanie Nicole at ang ibang natamaan ng ligaw na bala sa Metro Manila ay walang makitang kalihim.

Habang nag-aamok ang isang adik sa Kawit, Cavite ay wala tayong maramdamang liderato ng pulis na puwedeng sabihing titiyak ng kaligtasan ng ating mga kababayan.

Ang bagong PNP Chief naman na si General Alan Purisima ay hindi pa rin nakikitaan ng matinding aksiyon dahil mukhang naghihintay pa ng utos sa nawawalang kalihim.

Ayon sa ating source, si Secretary Roxas ay nagpapalamig pa rin hanggang ngayon sa New York kaya walang malay sa mga nangyayari sa ating bayan.

Sarap din naman ng buhay ni Secretary, habang pumapangos ng hotdog sa New York ay inuubos ang buhay ng ating mga inosenteng kababayan.

Hay buhay.

***

Itong mga nangyayaring krimen sa Cavite province ngayon ay dapat ibato sa Liberal Party.

Ang pag-aamok ng addict na nakapatay ng pitong mamamayan sa Kawit, kabilang ang dalawang bata, ay isang ehemplo ng kahinaan ng liderato ng kapulisan sa lalawigan.

Bago pa ang masaker na ito sa Kawit, may bata pa na naging biktima ng rape-slay sa Cavite rin.

At sa mga susunod na araw, mas marami pang krimen ang mangyayari sa lalawigan na tiyak na hindi makokontrol ng mga pulis sa lugar.

Ang dahilan, sinibak ang lahat ng Chief of Police sa Cavite, kabilang na ang provincial director at ipinalit ang mga bata ng mga politiko ng LP.

Ang kanilang mga ipinalit ay hindi pinaraan sa liderato ng provincial government na karaniwan namang ginagawa sa lahat ng probinsiya.

Kinokontrol na ng Liberal Party ang Pangasinan sa pamamagitan ng jueteng scandal laban kay Governor Amado Espino Jr., ang Cebu sa pamamagitan ng suspensiyon ni Governor Gwen Garcia at ngayon naman, lahat ng Chief of Police ng Cavite naman ang napalitan dahil sa kanilang kapritso.

Kung hindi pamumulitika ito, hindi ko na alam kung ano ang tawag dito.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply