Habilin ni Pepe Pimentel, i-cremate ang kanyang bangkay

pepe-pimentel-2

HABILIN ng namapayang dating sikat na television host na si Pepe Pimentel ipa-cremate kaagad ang kanyang bangkay.

Ito ang sinabi ni Ramon Pimentel, pamangkin ni Pepe matapos magbigay ng pahayag sa mga mamamgahayag.

Ayon kay Ramon, masama na ang pakiramdam kaninang umaga ng television host kaya naligo ito at makikipagkita sana sa kanyang doktor.

Pero habang naliligo, inatake ito sa puso at nawalan ng malay at nabagok ang ulo sa sahig ng banyo.

Kapag nai-cremate na, nakatakdang dalhin ang abo ni Pepe mamayang gabi sa chapel ng Pinaglabanan Church sa San Juan City para sa mga nais magbigay ng huling respeto sa namayapang television host.

Hindi naman nabanggit kung ilang araw ilalagak ang urn nito sa nasabing lugar at maging kung kailan ito ililbing o kung ilalagak lamang ang abo nito sa kanyang bahay.

Si Pimentel ay isa sa host ng game show na “Kwarta o Kahon”, na tumakbo sa loob ng 38 taon, Una itong umere noong 1962.

Nagsimula ang karera ni Pimentel nang maging unang kampeon ng “Tawag ng Tanghalan”. Kalauna’y naging host si Pepe ng “Student Canteen” kasama sina dating senador Eddie Ilarde, Bobby Ledesma at Helen Vela na kapwa patay na rin.

Matapos ang kanyang karera sa showbusiness, nagsilbi ring kapitan si Pimentel sa Barang Laging Handa, QC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply