Hackers ng government websites tukoy na ng NBI

cybercrime

MAY ideya na ang National Bureau of Investigation (NBI) kung sino ang hackers  ng mga government website.

Kaya nga, aalamin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa NBI kung ano ang magiging aksyon nila sa mga nakilala nilang indibidwal at personalidad na sangkot sa pag-hack ng government website.

Sa ngayon nakatutok ang NBI sa planong magbibigay proteksyon at seguridad sa website ng pamahalaan.

“They’re coming up with a plan (on) how to strengthen the firewall or strengthen the security of government websites. There were some suggestions. Some of the government websites are not hosted by government. Those that are hosted by DOST are secure, for instance, PCDSPO, OG (Official Gazette). They are hosted by the government and, inasmuch as they tried to attack the OG, it has never been defaced. Some government websites are hosted by private entities and there has been a suggestion to move them, migrate their hosting to government. So that’s being studied right now. There are a number of agencies which have their own websites so we’re looking into it,” anito.

Sa ulat, isang araw bago ang itinakdang oral argument ng Supreme Court (SC) hinggil sa legalidad ng kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012, sinabotahe ngayon ng hackers ang ilang government web portals.

Kabilang sa mga ito ang official websites ng National Food Authority at local government ng Mambulao, Camarines Norte.

Sa isang kalatas na ipinaskil sa nasabing websites, muling binatikos ng mga hackers ang pagpasa ng nasabing batas na anila’y kumikitil sa karapatan nang malayang pamamahayag.

“What happened to the law? Are all laws meant to be broken? Are they made to fool people, deprive them of their right in exchange of what we believe as ‘Heavens for Politicians?’ Some say we are against the law because it would hinder our ‘criminal activities’ but WE do not oppose the said law in any way if it is for the greater good,” ayon sa nasabing mensahe.

Inanunsyo rin ng grupong PrivateX at Anonymous Philippines na kanila ring aatakehin ang websites ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Cebu Port Authority, Philippine National Police-Region 8 at National Maritime Polytechnic.

Bukas ay nakatakdang dinggin ng kataastaasang hukuman ang argumento hinggil sa petisyong nagdideklarang “unconstitutional” ang nasabing batas.

Nauna nang nag-isyu ng 120-day temporary restraining order ang Supreme Court matapos kuwestyonin sa hukuman ang implementasyon ng Republic Act 10175.

Kabilang sa mga kinukuwestyong probisyon ng batas ay ang pagtatakda ng kasong libel on cyberspace.

Sa January 29 pa magpapaso ang TRO ng Supreme Court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply