Halimbawa ng kawalang-interes ng gobyerno sa kapakanan ng media: NPC DISMAYADO SA ‘USAD-PAGONG’ NA REKLAMO NI TULFO LABAN SA MGA SANTIAGO

raymart-tulfo

BINATIKOS ng National Press Club ang Pasay Prosecutor’s Office hinggil sa “usad-pagong” na pagdinig ng reklamo ni NPC lifetime member at beteranong kolumnista na si Ramon “Mon” Tulfo, laban sa mag-asawang Raymart Santiago  at Claudine Barretto at negosyanteng si Eduardo Atilano.

“Maaaring sabihin ng iba na ‘maliit’ na insidente lang ang lahat subalit ang mabagal na pag-usad ng reklamo ni Tulfo laban sa mag-asawa ay muling nagpapakita ng sistema ng hustisya sa bansa na mas pabor sa mayayaman, kilala at maiimpluwensiya,” ayon kay NPC president Benny Antiporda.

“Pagpapakita rin ito ng kawalang-interes ng pamahalaan sa kapakanan ng mga kasapi ng media.”

Nag-ugat ang reklamo ni Tulfo sa nangyaring gulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Mayo 6, 2012, kung saan pinagtulungang bugbugin ng grupo ni Santiago at Atilano ang beteranong mamamahayag.

“Malinaw naman na pinagtulungan si Mon Tulfo at kitang-kita ang lahat ng pangyayari sa video,” dagdag pa ni Antiporda.

Bago ito, pilit na inaagaw ng grupo ni Santiago ang cellphone ni Tulfo na ginamit niya sa pagkuha ng mga larawan kung saan ipinakikita si Claudine na pinagagalitan ang dalawang babaeng empleyado ng Cebu Pacific dahil umano sa nawawala nilang bagahe.

Galing si Tulfo sa Davao City at galing naman sa Aklan sina Santiago nang maaktuhan ni Tulfo ang paghamak na ginagawa ni Claudine sa mga empleyado.

Bilang mamamahayag, agad kinuha ni Tulfo ang kanyang cellphone at kumuha ng mga larawan ng insidente subalit galit na sinita siya nina Santiago at Atilano.

Nang tumanggi si Tulfo na ibigay ang kanyang cellphone, pinagtulungan siyang bugbugin nina Santiago, Atilano at Barretto.

Sa mabagal na pagkilos ng Pasay Prosecutor’s Office, sinabi ni Antiporda na lumapit na si Tulfo sa NPC upang punahin ang nakikita nitong pagpabor sa mga Santiago.

“Ano ba ang dahilan ng Pasay Prosecutor’s Office at hanggang ngayon ay hindi pa nito maresolba ang aking reklamo na isinampa noon pang nakaraang Mayo,” tanong pa ni Tulfo.

Dagdag pa ni Antiporda, pagpapakita ng patuloy na pagwawalang bahala ng pamahalaan sa mga kaso at insideteng kinasasangkutan ng mga miyembro ng media ang ‘usad-pagong’ na reklamo ni Tulfo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply